Media vehicles bawal sa “APEC lanes” sa EDSA

apec lanes
Kuha ni NIÑO JESUS ORBETA/INQUIRER

Hindi pahihintulutan ang mga media vehicle na dumaan sa “EDSA APEC lanes” sa panahon ng isang linggong APEC leaders meeting.

Ito ang paglilinaw ni Philippine National Police Highway Patrol Group o PNP-HPG Chief Supt. Arnold Gunnacao.

Ayon sa police opisyal, ang mga sasakyan lamang na may license plates na “APEC 2015” ang tanging makakagamit o makakadaan sa APEC lanes.

Umapela naman si Gunnacao ng pang-unawa mula sa mga mamamahayag, maging sa publiko, dahil sa kanilang mahigpit na panuntunan para sa APEC.

Paliwanag ni Gunnacao, gusto lamang ng gobyerno na matiyak na mapoprotektahan ang mga delegado mula sa anumang posibleng security threats.

Read more...