Barangay tanod patay matapos masagasaan ng truck sa Valenzuela

Inquirer file photo

Patay ang isang barangay tanod nang masagasaan ito ng truck sa Valenzuela City.

Base sa imbestigasyon, sakay ng tricycle ang biktima na paliko sana sa barangay hall ng Brgy. Daladanan nang banggain ito ng SUV.

Tumilapon ang tatlong sakay ng tricycle at isa sa kanila ang nasagasaan ng parating na truck.

Isinugod pa sa ospital ang biktima perio hindi ito umabot ng buhay.

Aminado naman ang driver ng SUV na siya ay nakainom.

Mahaharap ito sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injuries, at damage to properties.

Read more...