12-wheeler truck tumagilid sa Commonwealth Avenue

Contributed Photo

Maagang naperwisyo ang daloy ng traffic sa westbound lane ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Ito ay makaraang maaksidente ang isang 12-wheeler truck malapit sa Tandang Sora Flyover.

Tumagilid ang truck na may kargang lupa at naokupahan nito ang apat na linya ng kalsada.

Mano-manong pinala ng mga tauhan ng MMDA ang lupa na kumalat sa kalsada na dapat ay ihahatid sa bahagi ng Mindanao Avenue.

As of 6:40 ng umaga umabot na sa Litex area ang tail-end ng traffic.

Self-accident ang nangyari at iniimbestigahan pa kung bakit tumagilid ang truck.

Read more...