Lalaking kalalaya lang sa bilangguan patay sa pananambang sa Caloocan

Patay ang isang lalaki na kalalaya lamang sa bilangguan matapos itong tambangan sa Bagong Silang, Caloocan.

Ang biktima ay nakilalang si Datucan Samad-Montoc, 42 anyos na kalalaya pa lamang mula sa kulungan matapos mapawalang sala sa kasong murder.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinundo si Montoc ng kaniyang pinsan mula sa Camp Bagong Diwa.

Magpapalipas muna sana ng gabi sa Caloocan si Montoc bago umuwi sa Mindanao sa sandaling makakuha na siya ng ticket pauwi.

Pero alas 10:00 ng gabi ng Martes, dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang bumaril kay Montoc.

Tatlong magkakasunod na putok ng baril ang nadinig ng pinsan ni Montoc na agad nitong ikinasawi.

Read more...