Ito ang tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa ikakasang kampanya ng pamahalaan laban sa rebeldeng grupo o New People’s Army (NPA).
Sa talumpati ng pangulo sa Davao City, humihirit ang Punong Ehekutibo ng isang araw lamang para ubusin ang NPA.
Kung hindi man aniya makukuha sa isang araw, maaaring abutin lamang sa dalawa hanggang tatlong araw at mauubos na ang mga rebelde.
Ayon sa pangulo, ayaw niya sanang pumatay ng kapwa Filipino subalit pinupwersa aniya siya ng NPA na protektahan ang bayan kahit na sa marahas na mapaparaan.
Sinabi pa ng pangulo na hindi niya tatantanan ang paglaban sa mga rebelde pati na sa ilegal na droga hanggang sa kaniyang huling araw na panunungkulan sa Malakanyang.
Sinabi pa ng pangulo na hindi na rin maganda na ipagpatuloy pa ang peace talks sa rebeldeng grupo.
Hindi kasi naniniwala ang pangulo na makukuha pa sa pag-uusap ang naturang problema.