Lionel Messi, nakuha ang kaniyang ikalimang Golden Shoe award

AP photo

Nasungkit ng Argentina forward na si Lionel Messi ang kaniyang ikalimang Golden Shoe award.

Nakuha ni Messi ang award matapos manguna ang kanyang score sa soccer leagues sa Europa.

Dahil dito, naungusan ni Messi si Cristiano Ronaldo sa kanilang tie record na 4-4.

Nakapagtala ng 34 goals si Messi sa Spanish league noong nakaraang season dahilan para makamit ng Barcelona ang kampeonato.

Ayon sa manlalaro, pangarap aniya ang maging isang professional player ngunit nito inaasahan ang mga nakakamit na parangal.

Nagpasalamat si Messi dahil sa naging kapalit ng kaniyang pagpupursigi kasama ang kaniyang teammates.

Sumunod naman sa listahan si Liverpook forward Mohamed Salah sa kaniyang iskor na 32 goals.

Read more...