Tumama ang magnitude 4.3 na lindol sa lalawigan ng Cagayan, Martes ng gabi.
Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 27 kilometers Northwest ng Calayan dakong 10:05 ng gabi.
May lalim itong 19 kilometers at tectonic ang dahilan.
Gayunman, walang naitalang pinsala sa mga ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES