“Justice” itinanghal na Word of the Year ng Merriam-Webster

Ang salitang “Justice” ang itinanghal na Word of the Year para ngaong 2018 ng Merriam-Webster Dictionary.

Ayon sa Merriam-Webster, 74 percent na mas madalas na hinanap ng publiko ang salitang “Justice” sa kanilang website.

Sinabi ng tagapagsalita ng naturang kumpanya, kabilang sa mga hinanap ang salitang “obstruction of justice”.

Dagdag pa ng kumpanya, marami ang naghahanap ng kahulugan ng salitang “justice” kapag ginagamit ito sa mga technical o legal terms.

Una dito, itinanghal ng Oxford English Dictionary ang salitang “toxic” bilang kanilang Word of the Year. Habang ang salitang “misinformation” naman ang napili ng Dictionary Dot Com.

Read more...