Ayon kay PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin, maliit naman ang tsansa na mabuo bilang isang ganap na bagyo ang nasabing LPA.
Dahil sa buntot ng nasabing LPA ang Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, Tawi Tawi, Sultan Kudarat, Sarangani ay makararanas ng maulap na kalangitan na mayroong kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Ang nalalabing bahagi naman ng Mindanao at sa buong Visayas ay makararanas ng maaliwalas na panahon.
Habang mahinang pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Aurora dahil sa northeast monsoon.
Ang Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng Luzon ay makararanas ng maaliwalas na panahon maliban lamang sa pag-ulan sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.