Walang Pinoy na nadamay sa pagsabog na naganap sa Japan

Walang Pinoy na nadamay pagsabog sa isang restaurant sa Sapporo, Japan.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) batay sa ulat ng Philippine Embassy sa Tokyo, walang Filipino na kabilang sa 42 na nasugatan.

Nangyari ang pagsabog sa Toyohara District sa Sapporo.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa Japan hinggil sa insidente pero may mga ulat na gas leak ang pinagmulan ng pagsabog.

Maraming bata ang nasugatan at may ilang nabalian ng binti matapos tumalon mula sa nasunog na gusali.

Nagdulot din ito ng pansamantalang blackout sa lugar.

Read more...