Naniniwala si Kabayan Representative Ron Salo na magagamit ang naging sagot ni Miss Universe 2018 Catriona Gray upang makumbinsi ang Kongreso na isabatas ang medical marijuana bill.
Ayon kay Salo na co-author ng panukala sa Kamara, nagpapasalamat siya sa naging stand ni Catriona sa medical marijuana.
Sinabi ng mambabatas na makatutuong ang medical marijuana sa mga nakararanas ng cachexia, seizures kabilang ang epilepsy, matinding pananakit ng kalamnan, at multiple sclerosis.
Sa naging sagot ni Catriona sa question and answer portion ng Miss Universe 2018 sinabi nito na okay lamang ang marijuana basta huwag lamang itong abusuhin tulad ng alak at sigarilyo.
Ang House Bill 6517 o medical marijuana bill kung saan si Isabela Representative Rodito Albano ang pangunahing may-akda, ay nakalusot na sa komite sa Kamara.