Anim na airstrike ang inilunsad ng pwersa ng militar ng Esados Unidos sa Gandarshe area, Mogadishu, Somalia na ikinasawi ng 62 mga al-Shabab extremist rebels.
Ayon sa Africa Command ng US military, apat na airstrike ang kanilang inilunsad noond December 15 na ikinasawi ng 34 katao, at karagdagang 28 matapos ang dalawa pang airstrike noong December 16.
Ayon sa mga otoridad, walang nasugatan o nasawing mga sibilyan sa naturang mga pag-atake.
Paglilinaw pa ng US military, alam ng pamahalaan ng Somalia ang naturang mga airstrikes na layong mapigilan ang mga rebelde sa paggamit ng malalayong o remote areas bilang kanilang kuta.
Sa kabuuan, ngayong taon, 46 na mga airstrikes na ang inilunsad ng Amerika laban sa al-Shabab na kilalang kaanib ng al-Qaida.