Muli na namang ipinamalas ni Paolo Ballesteros ang kanyang talento sa makeup.
Ito’y matapos niyang mag-transform bilang si Miss Universe Spain Angela Ponce.
Sa recent Instagram post ni Paolo, ibinahagi niya ang kanyang bagong makeup transformation.
Caption ng post ang kanyang pagbati para sa bagong Miss Universe 2018 na si Catriona Gray.
Matatandaan na si Angela ang kauna-unahang transgender na nakasali sa Miss Universe pageant.
Taong 2012 nang baguhin ng pamunuan ng Miss Universe ang kanilang polisiya kung saan unang nakasaad na mga ‘naturally born’ women lamang ang maaaring makasali sa kumpetisyon.
Sa pagtatapos ng Miss Universe 2018, hindi pinalad si Angela na makapasok sa Top 20 ngunit umukit pa rin siya ng kasaysayan para sa mga transgender.