3 pulis sugatan sa pag-atake ng NPA sa Sorsogon

Nasugatan ang tatlong mga pulis matapos umatake ang mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Magallanes, Sorsogon.

Nakilala ang mga pulis na sina PO1 Bartolata, PO1 Espera, at PO1 Geum.

Ayon sa mga otoridad, dalawang mga miyembro umano ng rebeldeng komunista na sakay ng isang motorsiklo ang nagpaulan ng bala sa Magallanes Municipal Police Station kagabi.

Matapos ang pamamaril ay kaagad tumakas ang mga suspek sa hindi pa batid na direksyon.

Sinasabing nagkaroon ng kaparehong insidente ng pamamaril sa mga kalapit na bayan ng Juban at Gubat. Ngunit ayon sa mga otoridad, kasalukuyan pa nilang biniberipika ang naturang mga ulat.

Read more...