Magnitude 3.2 na lindol tumama sa Eastern Samar

Niyanig ng isang magnitude 3.2 na lindol ang karagatang sakaop ng bayan ng Hernani sa Eastern Samar.

Sa abiso na inilabas ng PHIVOLCS, naganap ang pagyanig sa layong 80 kilometro hilagang-silangan ng nabaggit na bayan, partikular sa katubigan sa lugar.

May lalim itong 24 na kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naganap ang lindol kaninang alas-12:56 ng hatinggabi.

Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang anumang aftershocks o pagkasira sa ari-arian dahil sa pagyanig.

Wala rin naitalang intensities ang lindol.

Read more...