Sinalakay ng mga pulis ang isang tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan.
Ayon sa mga otoridad, walang hawak na kaukulang dokumento at permit para magbenta ng mga paputok ang may-ari ng tindahan na si Alejandro Roberto.
Nabatid na ang mga itinitindang pyrotechnic products o paputok ni Roberto ay pawang substandard at hindi dumaan sa tamang proseso nang gawin ang mga ito.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 7183 o Act Regulating the Sale, Manufacture, and Use of Firecrackers and other Pyrotechnic Devices ang may-ari ng tindahan.
MOST READ
LATEST STORIES