Albayalde, binalaan ang mga pulis vs partisan political activity

Binalaan ng Philippine National Police chief Director General Oscar Albayalde ang mga miyembro ng pulisya laban sa pagpapakita ng partisan political activity.

Ayon kay Albayalde, ang pulis ay dapat na hindi magbigay ng pribadong serbisyo sa sinuman lalo na iyong mga kakandidato sa 2019 elections.

Iginiit ng PNP chief ang halaga na mapanatili ng pulisya ang impartiality.

Babala ni Albayalde, may parusa para sa mga pulis na magiging partisan.

Kabilang sa parusa sa pulis na pumapanig sa kandidato ang pagkasibak sa pwesto.

Ang mga miyembro ng PNP ay kasama sa mga taga-gobyerno na binabawalang makiaalam o sumama sa kampanya o political activity alinsunod sa Omnibus Election Code.

Read more...