Suspected gun runner ng ISIS at Maute huli sa Valenzuela City

Arestado sa entrapment operation sa Valenzuela ang mag-asawa na umanoy bigtime gunrunners na sinasabing nagsu-supply ng matataas na kalibre ng armas at bala sa ISIS-inspired Maute Group, Abu Sayyaf at mga pulitiko.

Ang mga suspek na sina Edgardo Medel at Rosemarie Medel ay naaresto dahil sa umanoy pagbebenta ng mga hindi lisensyadong mga baril.

Narekober sa mag-asawa ang tatlong armas at mahigit 13,000 rounds ng mga bala.

Kinabibilangan ito ng isang sub-machine gun, M4 rifle at Cal. 45 pistol.

Ayon sa report ng National Capital Region Police Office, nag-ugat ang operasyon sa tip ng informant na ang mga suspek ay sangkot sa gunrunning activities.

Hindi naman kinilala ng pulisya ang mga pulitiko na umanoy sinusuplayan ng mga baril ng mag-asawa.

Read more...