Pasok sa gobyerno kanselado sa January 2, 2019

Naglabas ng memorandum para sa lahat ng empleyado ng pamahalaan ang Malacañang na nagsasabing suspended ang araw ng trabaho sa January 2, 2019.

Laman ng Memorandum Circular 54 na may lagda ni Executive Sec. Salvador Medialdea na kabilang sa mga suspendido ang pasok sa nasabing petsa ay ang mga Government-Owned and Controlled Corporations (GOCC).

Wala ring pasok ang mga nasa Government Financial Institutions, State Universities and Colleges at maging yung mga nagta-trabaho sa mga local government units (LGUs).

Nauna dito ay deklarado na rin bilang isang special non-working holiday ang December 31.

Sa nasabing memorandum, sinabi ng Malacañang na ang suspensyon ng pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa Enero 2 ay para mabigyan ng mas mahabang panahon ang kanilang mga empleyado na makasama ang mga mahal sa buhay.

Ipinauubaya naman ng Malacañang sa pribadong sektor kung magpapatupad ba sila o hindi ng kahalintulad na work suspension.

Read more...