Diokno: P75-B adjusted budget ng DPWH alam ni Villar

Inquirer file photo

Nilinaw ni Budget Sec. Benjamin Diokno na alam ni Public Works Sec. Mark Villar ang P75 Billion adjustment na kanyang ginawa para pondohan ang ilang infrastructure projects ng pamahalaan sa susunod na taon.

Pumayag umano si Villar sa nasabing adjustment at hindi naman siya kinontra ng opisyal hingil sa nasabing pondo.

Sinabi rin ni Diokno na kailangan niyang sabihin ang m ga bagay na ito para patunayan na walang insertions na naganap tulad inilulutang ng ilang mga kongresista sa 2019 national budget.

Nauna dito ay iginiit ng ilang mga kongresista na may mga malalapit na in-laws si Diokno na nakinabang sa ilang infrastructure projects sa Catanduanes na pinondohan ng nasabing budget.

Muli ring iginiit ni Diokno na bukas ang kanilang record para ipakita na napunta sa mga tamang proyekto ang mga inilalabas na pera ng kanyang tanggapan.

Nandindigan rin ang kalihim na hindi na siya dadalo sa ilang mga pagdinig ng ilang mga kongresista dahil sa ginawang pambabastos sa kanya sa nagdaang question hour.

Sa halip, sinabi ni Diokno na sasagutin na lamang niya sa pamamagitan ng liham ang mga tanong ng ilang mga mambabatas

Read more...