Nilinaw ng Comelec na ang nasabing mga gawain ay maituturing na premature campaigning at pwedeng ma-diskwalipika ang isang kandidato.
Ipinaliwanag ni Comelec Spokesman James Jimenez na para sa mga tumatakbo sa national position tulad ng mga senador at partylist groups ang panahon ng kampanya ay sa Pebrero pa magsisimula.
Para sa mga kandidato sa pagka-kongresista at lokal na posisyon ang panahon ng kampanya ay magsisimula naman sa buwan ng Marso.
Gayunman ay aminado ang opisyal na hindi naman nila kayang imonitor ang lahat ng mga reklamo kaugnay sa premature campaigning.
Sa Enero 13, 2019 magsisimula ang election period at kasama na rito ang pagpapatupad ng gun ban.
Nilinaw rin ni Jimenez na pinag-aaralan na nila ang paglimita sa social media exposure ng mga kandidato sa susunod na halalan.
Ngayong linggo ay nakatakdang isapubliko ng Comelec ang opisyal na talaan ng mga kandidato sa 2019 midterm elections.