Posisyon ni Catriona Gray sa marijuana issue kinatigan ng Malacañang

Naniniwala ang Malacañang na naging malaki ang impluwensya ni Pangulong Rodrigo Duterte para paboran ni 2018 Miss Universe Catriona Gray na gawing legal ang marijuana para sa medical use.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang posisyon ni Gray ay adoption ng panininidgan ni Pangulong Duterte.

Sa question and answer portion sa Miss Universe pageant, tinanong si Gray kung ano ang posisyon nito sa paggamit sa marijuana.

Ayon kay Gray, pabor siya na gamitin ang marijuana sa medical use subalit hindi para sa recreation o gawing bisyo.

Sinabi pa ni Panelo na maaring kinatigan din ni Gray ang posisyon ng pangulo matapos magsagawa ng sariling pag-aaral ukol sa paggamit ng marijuana.

Si Gray ang ikaapat na pambato ng Pilipinas na nakasungkit sa korona ng Miss Universe.

Una rito, itinanghal na rin na Miss Universe sina Gloria Diaz, Margie Moran at Pia Wurtzbach.

Read more...