Malakanyang nagpaabot ng pagbati kay Catriona Gray sa pagkakapanalo bilang Miss Universe 2018

CREDIT: Vogue Thailand

Nagpaabot ng pagbati ang Malakanyang kay Catriona Gray sa pagkakapnalo sa 2018 Miss Universe pageant na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, naipagmalaki ni Gray ang buong Pilipinas nang ipakita nito ang totoong kalidad ng Filipina beauty – ang confidence, grace, intelligence at katapangan na harapin ang anumang uri ng pagsubok sa buhay.

Sinabi pa ni Panelo na naipakita ni Gray na ang mga babae sa Pilipinas ay may abilidad para gawing reyalidad ang mga pangarap sa pamamagitan ng pagsusumikap, determinasyon at passion.

Dagdag ni Panelo na saludo at hanga ang palasyo sa determinasyon ni Gray.

Itinaas din aniya ni Gray ang pamantayan ng pag-empower ng mga Filipina na maniwala sa sarili at maghanap ng sariling lugar sa Universe.

Muli aniyang inilagay ni Gray ang Pilipinas sa pandaigdigang mapa dahil sa angkin nitong kagandahan at gilas na kahalitulad sa maraming magagandang tanawin at nakakabighaning isla.

Read more...