PUBLIC SERVICE: Scheduled power interruption ng Meralco

Mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw ang bahagi ng Maynila at Quezon City.

Sa abiso ng Meralco, sa pagitan ng alas 10:00 ng gabi at alas 6:00 ng umaga bukas ang nakatakdang power interruption sa Sta. Mesa sa Maynila at Brgy. Doña Imelda at Santol sa Quezon City.

Apektado ang bahagi ng Aurora Blvd. kanto mula sa G. Araneta Avenue sa Sta Mesa.

Kabilang sa mawawalan ng kuryente ang Central College of the Philippines, University of the East-Ramon Magsaysay Memorial Medical Center and Colleges, UERMMC II, Immaculate Heart of Mary College, SM – Mezza Residences I and II at ang SM Centerpoint.

Ang power interruption ay dahil sa paglilipat ng mga pasilidad ng Meralco na maaapektuhan ng Skyway 3 project sa Araneta Avenue.

Read more...