Sa statement na inilabas ng foreign ministry ng North Korea, binanggit nito ang pahayag ng Washington na tuloy ang pagpapatupad ng sanction laban sa mga kumpanya sa NoKor, Russia at China at iba pang bansa.
Sinabi ng NoKor na ang ginagawang ito ng US ay maaring makahadlang sa planong denuclearization ng Pyongyang.
Magugunitang napagkasunduan ng US at ni North KOrean leader Kim Jong Un ang pagpapatupad ng denuclearization sa Pyongyang.
Gayunman, ayon sa NoKor, mistulang gusto ng US State Department na bumalik sa dating hindi magandang sitwasyon ang relasyon ng Amerika at Pyongyang.
MOST READ
LATEST STORIES