42 katao sugatan sa pagsabog sa Japan

Sugatan ang 42 katao sa pagsabog na naganap sa isang restaurant sa Sapporo, Japan, Linggo ng gabi sa Pilipinas.

Ayon sa pulisya, isinugod agad sa mga ospital ang mga sugatan kung saan ang isa ay nasa kritikal na kondisyon.

Sa mga videos at larawan na kumakalat sa social media makikitang nasusunog ang dalawang palapag na restaurant at kalat-kalat ang mga debris sa lugar.

Umabot na sa 20 firetrucks ang idineploy para apulahin ang sunog at isinara na rin ng pulisya ang lugar dahil sa takot na may mga kasunod na pagsabog pa ang maganap.

Apektado na rin ang mga katabing establisyimento kabilang ang mga bahay at restaurants.

Patuloy na inaalam ang sanhi ng pagsabog ngunit may ispekulasyon na ito ay dahil sa gas blast.

Ibinabala na rin ng local officials na maaaring tumaas pa ang bilang ng mga nasaktan sa insidente.

Read more...