Feeding program handog ng pulisya sa mga nasagip na namamalimos

INQUIRER file photo

Mayroong feeding program na inihanda ngayong araw ng Lunes ang Quezon City Police District (QCPD) para sa higit 220 na mga street beggars o mga namamalimos na nahuli sa lungsod.

Ito ay inanunsyo mismo ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Guillermo Eleazar at sinabing nag-imbita pa sila ng mga kalahok ng Miss Philippines sa nasabing event.

Magaganap ang feeding program sa QCPD headquarters sa Camp Karingal.

Pagkatapos ng event ay ihahatid na ang mga nasagip na namamamalimos na karamihan ay Aetas at Badjao sa kani-kanilang mga bahay.

Humingi ng tulong NCRPO sa mga transport companies para sa libreng sakay ng mga katutubo.

Matatandaang nagkasa ang NCRPO katulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng serye ng mga operasyon para sagipin ang mga namamalimos sa Metro Manila ngayong Kapaskuhan.

Read more...