Pistons tinuldukan ang 8-game winning streak ng Celtics

Hindi na nagtuloy-tuloy ang panalo ng Boston Celtics matapos lampasuhin ng Detroit Pistons sa iskor na 113-104 sa kanilang laban sa NBA.

Pinutol ng Pistons ang ikawalong sunud-sunod na panalo ng Celtics.

Umariba ang koponan sa ikatlong quarter matapos gumawa ng 13-0 run at ipinagpatuloy ang magandang laro sa ikaapat na quarter.

Nanguna para sa Detroit sina Blake Griffin at Andre Drummondna may tig-27 at 19 points.

Dahil sa laban, naabot na ni Griffin ang 12,000-point mark sa kanyang karera.

Pinangunahan naman ni Kyrie Irving ang Boston sa kanyang 26 points.

Read more...