2 CebGo flights sa NAIA Terminal 4, kinansela

MIAA photo

Kanselado ang dalawang biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4, araw ng Linggo.

Sa anunsiyo ng Manila International Airport Authority (MIAA), kinansela ang CebGo flights na DG 6073 at 6074 na biyaheng Manila – Tablas – Manila.

Ayon sa MIAA, ito ay bunsod ng nararanasang sama ng panahon sa Tablas, Romblon.

Dahil dito, pinayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa re-booking o refund ng kanilang ticket.

Read more...