Albayalde, tiniyak na walang special treatment sa anak ni Faeldon

Photo: Police Regional Office – 5

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde na walang special treatment sa anak ni Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon.

Sa isang panayam, sinabi ni Albayalde na hindi siya tinawagan ni Faeldon para humingi ng pabor ukol sa kaniyang anak.

Dagdag pa ng opisyal, malinaw ang naging pahayag ni Faeldon na sakaling may kasalanan ang anak nito ay hindi nito itotolerate.

Naaresto si Nicanor Faeldon Jr. matapos bumisita sa isa umanong drug den sa Barangay Mabolo, Naga City.

Matatandaang nangako ang nakatatandang Faeldon na papatayin niya ang kaniyang anak oras na mapatunayang totoo ang mga akusasyon laban dito.

Read more...