Poder, hindi dapat gamitin sa pambubully – Cardinal Tagle

Tila pinatamaan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang homily sa unanag araw ng Simbang Gabi sa Manila Cathedral.

Sabi ni Tagle, hindi dapat gamitin ng mga makapangyarihang tao ang posisyon nito para i-bully ang iba.

Iginiit ng arsobispo na ang kapangyarihan ay hindi dapat ikinakasangkapan para bastusin at gipitin ang kapwa.

Bagaman walang binanggit na indibidwal si Tagle sa kanyang mensahe, sinabi nito na iyon ay base sa payo ni San Juan Bautista sa pagkamit sa tunay na kasiyahan.

Matatandaang makailang ulit nang nakatanggap ng batikos at tira ang mga pari at obispo mula kay Duterte matapos batikusin naman ng taong simbahan ang kampanya kontra ilegal na droga ng administrasyon at ang mga polisiya nito kontra kriminalidad.

Read more...