Sotto, kampanteng malalagdaan ni Duterte ang 2019 budget bago matapos ang Enero

Kampante si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na malalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang 2019 national budget bago matapos ang January 2019.

Sa kabila ng Christmas break sa Kongreso, sinabi ni Sotto sa isang panayam na tiyak tatalakayin agad ng mga mambabatas ang alokasyon sa mga nalalabing departamento sa January 14.

Pagkatapos aniya nito, isususnod ang amendments at saka isasalang sa bicam.

Nilinaw naman ni Sotto na hindi kasalanan ng Senado ang delay sa pagproseso ng pagpapasa ng P3.7-trillion budget.

Ilan sa mga nakitang dahilan ng delay ng senador ay ang pagpapalit ng liderato sa Kamara na nagresulta sa pagpapalit ng committee memberships at leaderships, at ang kontrobersiya sa panukalang budget ng ilang departamento.

Read more...