Sa inilabas na pahayag, sinabi ng PAL na dalawang beses sa isang linggo magkakaroon ng naturang ruta gamit ang kanilang bagong 86-seater Bombardier Next Generation Q400 aircraft.
Aalis ang flight PR2205 mula Clark kada araw ng Linggo at Martes dakong 6:00 ng umaga at darating sa Evelio B. Javier airport sa San Jose de Buenavista sa Antique bandang 7:20 ng umaga.
Samantala, ang flight PR2206 naman ang aalis sa Antique ng 7:40 ng umaga at darating sa Clark ng 9:00 ng umaga.
Dumalo sa inagorasyon ng PAL flight sa Evelio B. Javier airport sina Sen. Loren Legarda, Secretaries Arthur Tugade, Roy Cimatu, CAAP Dir. Gen. Captain jim Sydiongco at iba pa.
MOST READ
LATEST STORIES