7.4M na target tourist arrivals, malabong makamit – DOT

Aminado ang pamunuan ng Department of Tourism (DOT) na malabong makamit ang target tourists arrival sa bansa ngayong 2018.

Aabot sa 7.4 milyong turista ang target ng DOT ngayong taon pero may agam-agam ang ahensiya na makamit ang naturang bilang.

Isa sa mga malaking dahilan na ikinukonsidera ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ay ang anim na buwang pagpapasara ng isla ng Boracay.

Sa kabila nito, umaasa raw sila na mas marami pa rin ang bilang ng mga dumating na turista sa bansa ngayong taon kumpara sa 6.6 milyon na naitala noong 2017.

Sa datos ng DOT, mula Enero hanggang Oktubre 2018, 5.88 milyon na ang bilang ng mga turistang dumating sa bansa.

Mas mataas ito ng 7.43 percent kumpara sa kaparehas na panahon noong 2017.

Karamihan sa arrivals na ito ay mula sa South Korea na nananatiling top source ng mga turista ng Pilipinas.

Read more...