DOT, tiwalang hihikayat ng mga turista ang Balanginga bells sa Eastern Samar

Radyo Inquirer Photo | JAP DAYAO

Kumpiyansa ang Department of Tourism (DOT) na magiging tourist destination na ang bayan ng Balangiga sa Eastern Samar dahil sa Balanginga bells.

Pero ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, hindi lamang ang munisipalidad ng Balanginga ang makikinabang sa posibleng pagdagsa ng mga turista kundi maging ang mga kalapit na bayan nito.

Dahil dito, sinabi ni Puyat na may tukoy na ang mga local tourism department sa rehiyon na tourist guides para sa naturang makasasayang kampana.

Tiniyak din ng opisyal na mapapangalagaan ang naturang mga kampana.

Sa Enero ng susunod na taon, bibisita si Puyat sa Balangiga sa pagsisimula ng promosyon ng DOT sa mga kampana bilang tourist attraction maliban pa sa ibang tourist attractions sa Eastern Samar.

Read more...