Sinubukang gayahin ni Kapuso celebrity Joyce Pring ang sikat na sikat na slow-mo turn ni Philippines’ bet Catriona Gray.
Gamit ang kaniyang Instagram account, nag-post si Joyce ng kaniyang video sa backstage.
Nagbiro pa ang Kapuso host sa kaniyang caption na, “Nangangarap maging Miss Universe… ng buhay mo. From Lava walk to LAVARN! Walk.”
Nagparating din ng pagsuporta si Joyce kay Catriona para sa nalalapit na pageant.
Magaganap ang Miss Universe 2018 coronation night sa Impact, Muang Thong Thani sa Bangkok, Thailand bukas, December 17.
MOST READ
LATEST STORIES