Daan-daang motorcycle rider, nagkasa ng protest motorcade sa EDSA

file photo

Daan-daang motorcycle riders ang nagkasa ng motorcade sa EDSA bilang protesta, Linggo ng umaga.

Ito ay bilang pagtutol sa panukalang double plate policy at inilabas na temporary restraining order ng Korte Suprema laban sa ride-hailing
platform na Angkas.

Mahigit isang kilometer ang haba ng motorcade sa northbound lane ng EDSA mula sa People Power Monument at White Plains.

Hiling ng Angkas riders, gawing legal ang motorcycle ride-sharing bilang ito ang pinagkakabuhayan ng aabot sa 25,000 na motorcycle rider na gumagamit nito.

Samantala, hinikayat naman ng ibang grupo ang gobyerno na irekonsidera ang planong paglalagay ng plaka sa harap ng motorsiko.

Anila, makaaapekto dito sa kaligtasan ng motorcycle rider at iba pang motorista.

Read more...