Kings rookie Marvin Bagley III, nagtamo ng knee injury

AP photo

Hindi makakapaglaro ng 10 araw ang Sacramento Kings rookie forward na si Marvin Bagley III matapos magtamo ng knee injury.

Batay sa anunsiyo ng Kings, lumabas sa resulta ng MRI exam ni Bagley ang bone bruise sa kaniyang kaliwang tuhod.

Nagkaroon ng injury si Bagley sa second quarter ng kanilang laban kontra sa Golden State Warriors (GSW) nitong Biyernes.

Muling susuriin si Bagley matapos ang 10 hanggang 14 na araw.

Si Bagley ay may average score na 12.7 points at 6.1 recounds sa loob ng 26 games.

Read more...