Nakilala ng Marikina PNP ang mga suspek na sina alyas Butchoy, 36-anyos; Gerry, 54-anyos; at Budoy, 30-anyos.
Inaresto ang tatlo matapos mahuli sa aktong nagbebenta ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagsilbing poseur buyer sa bahagi ng Barangay Malanday.
Nakuha sa mga suspek ang anim na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Nahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
MOST READ
LATEST STORIES