Tumama ang magnitude 3.8 na lindol sa Occidental Mindoro, Linggo ng umaga.
Sa inilabas na datos ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 19 kilometers Northeast ng Paluan dakong 8:41 ng umaga.
May lalim itong 18 kilometers at tectonic ang pinagmulan.
Dahil dito, naramdaman ang intensity II sa Puerto Galera sa Oriental Mindoro.
Gayunman, walang napaulat na nasirang ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES