Diokno umaming nabastos sa question hour ng Kamara

Inquirer file photo

Nangako si Budget Secretary Benjamin Diokno na hindi na siya dadalo sa pagdinig ng Kamara kaugnay ng panukalang 2019 national budget.

Sa isang panayam, tinukoy ni Diokno ang kawalan ng respeto at ang tila aniya’y pag-“crossed the line” ng mga mambabatas.

Sa halip, sinabi ng kalihim na magpapadala na lamang siya ng written report para sagutin ang katanungan ng mga kongresista kaugnay ng panukalang budget ng administrasyon.

Sa Question Hour ng kongreso noong December 11 nagisa si Diokno dahil sa sinasabing P75 Billion na “insertion” sa 2019 budget.

Nagkaroon rin ng panawagan na sibakin sa pwesto ang kalihim dahil sa nasabing usapin.

Nanindigan naman ang palasyo na hindi sisibakin si Diokno at nanatili ang kumpiyansa sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Gayunman ay nanindigan ang kalihim na walang iregularidad na naganap sa paghahanda nila ng pambansang pondo para sa susunod na taon.

Read more...