Aabot sa 56 na palaboy at mga nanghihingi ng limos sa lansangan ang nailigtas sa dalawang araw na operasyon sa lungsod ng Maynila.
Sa nasabing bilang na 55 ang pawang mga bata at nasa 40 sa mga ito ay mga katutubong Badjao at Aeta.
Ayon kay Senior Inspector Lourence Simbajon, hepe ng Manila Police District public information, marami sa mga dinampot ay ibinigay sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) habang ang iba ay inihatid sa kani-kanilang mga barangay.
Ang nasabing operasyon ay ayon na rin kautusan ng Philippine National Police (PNP) para linisin ang lansangan sa mga nanghihingi ng limos gaya ng mga katutubo at mga nagpapakilalang miyembro ng religious groups.
Karaniwang dumarami ang mga palaboy sa Metro Manila tuwing panahon ng kapaskuhan.
Nakasaad din ito sa Presidential Decree 1563 or the Mendicancy Law of 1978 na nagbabawal sa paghingi ng limos at magbigay sa mga namamalimos.