Smashburger sa US binili ng Jollibee Foods Inc.

Binili ng Bee Good Inc. ang dagdag na 15 percent stake para makuha ang kabuuang pag-aari ng Smashburger sa halagang $10 Million.

Ang Bee Good Inc. ay subsidiary ng Jollibee Foods Corp. (JFC) na ngayon ay patuloy sa kanilang expansion project sa U.S at Europe.

Sa kanilang pahayag ay sinabi ng JFC binili ng cash ng Bee Good Inc. ang 15 percent stake ng Smashburger Master LLC.

Noong nakalipas na Pebrero ay inanunsyo ng JFC ang kanilang expansion sa US at kabilang dito ang pagbili sa Smashburger Master LLC na kanilang nabili sa kabuuang $100 Million.

Sa pagpasok ng taong 2019 ay mas marami pang Jollibee stores ang kanilang bubuksan sa iba pang panig ng mundo para paglingkuran ang mga Pinoy sa abroad.

Read more...