Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, umiihip pa rin ang Amihan sa buong Luzon.
Magdadala ito ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region (CAR) at lalawigan ng Aurora.
Dahil naman sa tail end of a cold front ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kasamang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Bicol Region at Eastern Visayas.
Sa nalalabing bahagi ng bansa kabilang na ang metro Manila ay asahan ang maalinsangang panahon maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms.
Ngayong araw, mapanganib ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng Northern Luzon, eastern seaboards ng Central at Southern Luzon, at eastern seaboard ng Visayas.