Final list ng mga kandidato sa 2019 elections, ilalabas na sa susunod na linggo – COMELEC

Ipinagpaliban ng Commission on Elections ang paglalabas sa opisyal na listahan ng mga kandidato para sa May 2019 elections.

Nakatakda sanang ilabas ang final list ngayong araw (Dec. 15) ngunit sinabi ng poll body na sa susunod na lamang na linggo ito lalabas.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ang desisyon ay upang mabigyan ng sapat na panahon ang Commission en banc na talakayin ang mga disqualification cases laban sa ilang mga naghain ng Certificates of Candidacy (COCs).

Tiniyak naman ni Jimenez na ang pagbabago na ito ay hindi makakaapekto sa Calendar of Activities para sa midterm elections.

Read more...