2 kumpanya ng langis may rollback na simula ngayong umaga

File Photo

Nag-anunsyo na ang dalawang kumpanya ng langis ng rollback na ipatutupad simula ngayong araw.

Bagaman unang nag-unsyo ang Phoenix Petroleum, sabay nitong magpapatupad ang Seaoil ganap na alas-6:00 mamaya.

May bawas na P0.15 sa kada litro ng gasolina, P0.30 sa kada litro ng diesel habang P0.30 din sa kada litro ng kerosene o gaas.

Inaasahang magaanunsyo na rin ng kanilang ipatutupad na rollback ang iba pang oil companies.

Ang rollback ay dahil sa murang presyo ng petrolyo sa world market.

Read more...