Isang high mass ang gaganapin ngayong araw na pangungunahan nina Apostolic Nuncio to the Philippines Most Rev. Gabrielle Cacia, Archbishop of the Military Ordinariate of the United States of America Most Rev. Timothy Broglio, at CBCP President Most Rev. Romulo Valles.
Punong tagapagdiwang sa misa si Tagbilaran Bishop Emeritus Most Rev. Leonardo Y. Medroso.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Duterte na hindi siya dadalo sa misa ngunit pamumunuan niya ang turnover.
Sinabi rin ng presidente na sa local government niya ibibigay ang mga kampana at ang local government ang magbibigay nito sa Simbahan.
Ayon kay US Ambassador to the Phillipines Sung Kim, ang pagbabalik ng kampana sa bansa ay inaasahang magsasara na sa sugat na iniwan ng Philippine-American War sa Eastern Samar.
Kinuha ng mga tropang Amerikano ang Balangiga Bells noong 1901 bilang war trophies.
Samantala, sa pagsisimula ng Simbang Gabi inaasahang maririnig na muli ng mga mamamayan ng Eastern Samar ang tunog ng Balangiga Bells.