Ito ay matapos gumuho ang ginagawang konkretong extension ng isang bahay sa gilid ng Culiat River.
Ayon kay Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office Chief Mike Marasigan, umabot sa pitong katao ang natabunan ng gumuhong bahay na nadala sa ospital, anim dito ang kumpirmado nang namatay matapos maipit at malunod sa ilog.
Sa inisyal na imbestigasyon ng QC Bureau of Fire Protection, bumigay ang pundasyon ng bahay.
Tinitingnan din nila ang posibleng paglambot ng lupa sa ilog kung saan nakatungtong ang poste ng bahay dahil na rin sa pag ulan.
Ang mga nasawi ay nag-iinom lamang nang gumuho ang bahay.
MOST READ
LATEST STORIES