Kongreso dapat maging bukas sa pag-amyenda sa draft federal charter – Malacañan

Hinimok ng Palasyo ng Malacañang ang Kongreso na maging bukas sa pag-amyenda sa inaprubahang draft federal charter.

Ayon kay Presidential Spokesperson Panelo, dapat makinig ang Kongreso kay dating Chief Justice Reynato Puno na pinuno ng Consultative Committee.

Matatandaang tinawag ni Puno na ‘bogus’ at delubyo sa demokrasya ang federalismo na isinusulong ng Mababang Kapulungan.

Babala ni Panelo, kung hindi makikinig ang Kongreso kay Puno, maaaring isuka lamang ng taong bayan ang charter change.

Sakaling mangyari anya ito ay parang nagsayang lamang ng pera ng taong bayan ang mga mambabatas.

Kabilang sa mga probisyon ng draft federal charter na inaprubahan ng Mababang Kapulungan noong Martes ay ang pagtatanggal sa ban sa mga political dynasty at pag-aalis din sa term limits ng mga mambabatas.

Gayunman umani ito ng batikos at maging ang binuong ConCom ay hindi ito sinuportahan.

Read more...