Magnolia isang panalo na lang ang kailangan para tanghaling kampeon ng PBA

Naipwersang muli ng Magnolia ang pagkakataong makasungkit ng kampeonato matapos talunin ang Alaska sa iskor na 79-78 sa PBA Governors’ Cup Finals kahapon.

Nagawa ni Paul Lee na makapagpasok pa ng bola sa natitirang 1.3 seconds ng laban dahilan para isalba ang Hotshots.

Umarangkada ang Alaska at ipinasok ang 17 puntos para manguna sa iskor na 78-77 sa huling 11 segundo ng laban.

Ginawa ni Mike Harris ang lahat upang dumepensa sa nakatakda sanang pagpuntos ni Romeo Travis.

Gayunman, napunta ang bola kay Lee na ginawa pang makapagpasok sa ring at naipanalo ang Magnolia.

Nanguna para sa Magnolia si Ian Sangalang na may 20 puntos habang si Harris ay nakakuha ng 28 puntos para sa Alaska.

Magaganap ang Game 6 sa Miyerkules at posibleng makuha na ng Hotshots ang kampeonato.

Read more...